Ang Bagong Internal Rules of Procedure ng Ika-6 na Sangguniang Panlungsod ng Marikina
Ni Reginald B. Tamayo
Ang pagpupulong o session ng ating ika-6 na Sangguniang Panlungsod ng Marikina ay mas organisado, mas epektibo at mas mabisa sa ngayon. Mas matagumpay sa kasalukuyan ang bawat session ng Sangguniang Panlungsod dahil sa ipinapatupad nitong Revised Internal Rules of Procedure. Kadalasan ay tinatawag itong Rules. Ang Revised Internal Rules of Procedure ay ang makabagong patakaran na sinusunod ng mga konsehales sa kanilang session para maging maayos ang kanilang talakayan. Maihantulad ito sa larong basketbol kung saan ang mga manlalaro ay may mga patakarang sinusunod upang ang laro nila nasisigurong ay malinis, tunay, at mapayapa. Ang mga kasapi din ng ating Sangguniang Panlungsod ay nagkaisang magkaroon ng panibagong Rules katulad ng kanilang pinagtibay kamakailan na Revised Internal Rules of Procedure. Ito ay kanilang malalimang pinag-aralan, pinadebatehan, at pinaggugulan ng panahon upang ito ay masusing balangkasin na naayon sa kagustuhan ng lahat. Hindi maikakaila na dahil sa bagong ipinatutupan na Rules na ito, ang mga konsehales ay nagiging mas aktibo at mas masigasig sa kanilang mga tungkulin bilang mga lokal na mambabatas ng kalunsuran,
Maaring ang tanong ng ilan ay bakit binago ang dating Internal Rules of Procedure? Sa anong kadahilanan na ito ay pinalitan? Hindi ba angkop ang dating Rules na tugunan ang pangangailangan ng lokal na lehislatura? Sa mga nakakasaksi sa mga session ng Sangguninag Panlungsod tuwing Miyerkules sa ganap na 9:00 ng umaga, ito man ay sa loob mismo ng session hall o sa pamamagitan ng panonood ng live session sa internet, ay makapagsasabi na base sa dating Rules na ipinaiiral noon, ang session ay mistulang nawawala sa direksyon. Sa madaling sabi, ang mga session ng ating Sangguniang Panlungsod bago pa ipinatupad ang bagong Rules ay mistulang hirap na abutin ang layunin ng mga kasapi na makapagpasa ng mga lokal na batas na tutugon sa mga pngangailangan ng nakararami. Sa kabilang banda ang dating Rules ay naglalaman ng mga probisyon na may iba’t ibang interpretasyon. Kaya naman madalas nagkakasalungat ang mga mungkahi ng mga kasapi, nagkakapersonalan ang usapan, at nalalayo na sa layunin ng pagpupulong ang pagkakaroon ng isang pangkalahatang desisyon.
Dahil dito sa bagong Rule, mas malinaw na sa mga konsehales kung paano tugunan o pagpasyahan ang mga problema na ipinaparating sa kanila sa pamamagitan ng pagbalangkas ng mga iba’t-ibang resolusyon o ordinansa. Higit lalo na mas handa na ang Sangguniang Panlungsod kung paano hawakan ang mga mahihirap at kontrobersyal na isyu.
Laking pasasalamat sa tagapangasiwa ng ika-6 na Sangguniang Panglungsod na si Bise Alkalde Jose Fabian I. Cadiz, M.D. dahil sa kanyang pamumuno sa planong ibahin ang Rules. Nakasalalay kay Dr. Cadiz ang maayos na takbo ng pag-uusap at pagdesisisyon ng mga kasapi ng konseho. Ika nga si Bise Alkalde Cadiz ay parang pulis-trapiko na siyang nagpapaandar at nagpapahinto at nagpapalinaw ng usapan sa session na naayon sa bagong Rules. At pasasalamat na rin kay Konsehala Eva Aguirre-Paz dahil siya ang nanguna at nag-ambag ng mga probisyon ng bagong Rules sa pamamagitan ng pagsasaliksik sa mga batas katulad ng Rebublic Act 7160 o ang tinatawag na Local Government Code of 1991 dahil karamihan sa probisyon ng bagong Rules na ipinapatupad sa ika-6 ng Sangguniang Panlungsod ay tugma at naayon sa batas na ito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment